Friday, December 28, 2012

Otaku Ako?



Hehehe. Ito ang isa sa mga inspirasyon ko ngayon. Grabe addict na nga ata ako! Wahooo! Nakaka-inlab talaga sila! yiiihhhhhhhh!!!!!!!!!!! Sana totoo nalang sila hahaha or sana pwede kong makapasok sa anime world kasi talaga gusto ko sila! Hayato, Zero, Kakashi, Byakuran, Kilua waaahhhhh!!!! at lahat na sila! ^_^ KAWAII!!!! ♥♥♥

Wednesday, December 19, 2012

Anu ba to?

Ang awkward naman ng feeling ko. :'( Naging hindi maganda gabi para samin ng mahal ko. Nagalit/nainis kasi ako sa kanya eh. Mali ako oo kasi naghusga ako na naggamit na naman siya ng ibang account. Kaso naiinis talaga ko sa pangalang yon. Bakit ba kasi ipinalit niya pa iyon. >_< Hindi tuloy maganda simula ng araw ko. Pero salamat pa din kay Lord kasi nagising ako today kahit bonggang Hipon at Orange Juice ang laman ng chan ko kagabi. Salamat po Panginoon. Sana maging ok pa din kami. Pero naiinis po talaga ako. Ayoko siyang kausapin ng ganon ang pangalan niya. Sama na naman ng loob ko sa kanya. Ang insensitive naman kasi niya eh. Haist ang sensitive ko naman masyado. Ayoko talaga ng mga ganitong moments. Inaantok ako. Huhuhu. Sana makapag focus na ulit ako sa work. Sana... Sana.... (sighhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh......................................)

Monday, December 17, 2012

Beautiful Morning!

Morning, morning, morning. This is not usual. because first of all this is special :). 40th month na that were together ng pinakamamahal ko. Isa pa i started the day busy. I accomplished few things agad samantalang before ganitong oras magstart palang akong magwork ng totoo. Sana magtuloy tuloy na ito at sana mas better pa. Yung walang interruptions.

Sometimes may mga nafifeel akong hindi maganda. But i am fighting it. And i know it's the holy spirit that fights with me kasi alam kong mali yung mga bagay na yon. I choose happiness today. Ayoko ng kahit anong makakadown sa feelings ko. Do these because of of Jesus. Alam mo kung gaano ka Niya kamahal. Alam mo kung gaano ka kamahal ng Ama sa taas.

Gusto ko na makahanap ng simbahan. Ng community na pwede kong pag servan. Lord kayo na po ang bahala sa akin kung saan ninyo ako gustong dalhin. I love you Lord. There is no greater love greater love that Your love for us. Thank you so much. Salamat Panginoon sa pagpapasaya. This i pray in Jesus Name. Amen. :)

Advance Happy Birthday Jesus! ♥♥♥

Friday, December 14, 2012

Nakakalungkot na Umaga :(


Waaahhh!!!!!!!!!!! Bwiset! Dami ko ng late na bagay na hindi nasusubmit sa boss ko! Putek! Asar talaga! Huhuhuhu Bad shot na naman ako nito. Kelan ba ko matututo!? T_T Huhu... 

Lord God, sorry po sa mga bad words... Gusto ko na naman umiyak. :'( May mali na naman ako. Lagot na naman po ako. Lord tulungan niyo po ako. Sana maging maayos na work ko. Sana sipagin na ko at gawin ko na ng matino ang trabaho ko. Lord kailangan ko po kayo para magawa ito. Gabayan Niyo po sana ako. Mangyari nawa sa akin ang nais po Ninyo. Salamat Lord. Naniniwala po akong hindi ninyo ako pababayaan at lahat ng ito may dahilan. Para sa ikabubuti ko din ito. T_T. Lord strengthen me. Thank you so much po. This i pray in the name of Jesus, Amen.

Tuesday, December 11, 2012

Martes

Whew! Natapos ko ang araw na to na kahit paano naging productive naman ako. Nakakatuwa lang. Sana bukas mas maging productive na ako. Ilang araw nalang meeting na naman sana may mai-share naman ako sa kanila na maganda. :) Lord, itinataas ko na po sa inyo ang lahat. Alam ko pong hindi ninyo ako pababayaan. Masayang masaya po ako at unti unti ay nakakabalik na ako sa inyo kahit minsan nalilihis pa din ako ng landas. Lord salamat po ha. Masaya po ako. As in masaya po dahil sa inyo. Yung feeling na naiiyak talaga ko sa mga nararamdaman at narerealize ko. Lord salamat po ng maraming marami. LAhat ng papuri ay sa inyo lamang. Amen. Ingatan niyo po ako, ang pamilya ko, mga kaibigan, kaopisina at ang mahal na mahal kong boyfriend.

Thursday, December 6, 2012

Ayoko NA!

Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!!!!! Napapagod na ko. Pikon na pikkon na ko! Baka next year wala na kong trabaho. Ano bang ginawa kong masama bat ako ginaganito?? Tae hirap na hirap na ko. Tama na utang na loob. Gusto ko ng magbreakdown!

Wala kong matrabaho. Wala kong maitulong sa grupo ko! Bwisit tong buhay ko! Wala ng kwenta!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tang Ina! Sobrang pagod na ko................... Ayoko na talaga....... Parang awa na........................................................ Tama na to..................... Suko na ko................ Ayoko na............................................... T_T. Hirap na ko....................................... T_T...... T_T........................ T_T................. T_T........................... Four consecutive days of sadness........................... Three consecutive nights of tears.......................... I cant carry more.................................................... Magbebreak down na ko............................................ T_T.....................................................................

Wednesday, December 5, 2012

Haist :'(

Ilang araw na kong ganito. Hindi makapagtrabaho ng maayos. Wala sa huwisyo. Walang gana kumain. Walang gana gumawa ng kahit ano. Hanggang titig sa pc nalang ako. Buti nga sinipag pa kong magsulat ngayon eh. Nawawalan na ng saysay buhay ko. Ayaw ko na nito. May patutunguhan pa kaya ako. Siguradong kapag may nagtanong sakin dito sa office mapapahiya lang ako kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Sobrang awkward ng pakiramdam ko. Wala talaga ako sa mood as in. Masama loob ko. May pinagdadaanan ako. At hirap akong kumawala don. Sabi ko nga sa kabilang page kapag nawala sakin yung taong yun siguradong gugulo buhay ko. Nakakawalang gana na gumising, pumasok, kumain, magtrabho. Nawawalan na ko gana mabuhay. As in wala lang.

Wala na rin akong ganang ayusin pa sarili ko. Ano ng gagawin ko? May pag-asa pa ba ako? Malamang meron pero hindi ako excited don. Hanggat ganito kaming dalawa ng bf ko, walang kahit sinong pontio pilato ang kayang makapagpabalik ng gana ko. ;(( Haaay buhay bakit ganyan ka? Ni hindi na rin ako nagsisimba at nagbubuklat ng bible. Walang prayer time. Struggles bakit ngayong end of the year kapa dumating? Kung kelan happy season diba? Ganda naman masyado ng timing mo.

Nganga. Ganyan ako ngayon. Hagang sa habang buhay ng magiging ganyan ako kung hindi ko aayusin tong buhay ko ngayon. Haist.................

Wednesday, November 28, 2012

Pasensya Pa

Naku onting onti nalang talaga. Mahal ko pero napapagod na ko sa mga paulit ulit na to. Alam ng nakakasakit eh gagawin pa. Tapos magpapaliwanag pa, lalong nakakasakit kaya yon. Hindi nalang magsori nakasakit na nga.

Ang insensitive naman kasi non diba? Eh kung sa kanya kaya yun gawin di ba? Siguradong kukulo pa dugo niya non. Pero siya ginagawa pa rin. Kainis talaga. Sana hindi niya ginagawa yung mga bagay na kapag ako ang gumawa non sa kanya alam niyang masasaktan siya. Simple lang naman yun eh.

Iwasan mo yung mga bagay na alam niong makakasakit sa isa't isa tapos. Alam na alam niya naman yun eh. Hindi lang ata talaga makuntento. >_<

Nakakainis talaga, nakakasakit na sobra. Dati rin akong malandi ano. Marami akong ginagawa noon na kung gawin ko ngayon habang nasa isang relasyon ako alam kong ikasasama ng loob at makakasakit sa damdamin ng mahal ko. Kaya nga iniiwasan ko na. Hindi ko ginagawa kasi nga alam ko yung pakiramdam kapag sakin ginagwa yon. Eh kung gawin ko kaya sa kanya mga ginagawa niya. Ng malaman niya kung gaano kasakit yon. Haist kainis talaga. >_<

Paulit ulit alam ng masakit yun. Paulit ulit din naman ako. Naku naku! Pasalamat talaga mahal ko! KAYA KO TO! Onting pasensya pa. Last na talaga to. Tapos pag naulit pa AYOKO NA.

Monday, November 26, 2012

Stress Overload!

Grabe naman, nakaka-stress tong mga tao dito, ang hihilig manisi. Wala ka namang ginagawa sa kanilang hindi maganda ako pa sisisihin nila sa pagkukulang nila. Grabe ha. Umpisa ng araw ko hindi na maganda dere-deretso na pala to. Amfness naman! >_< parang gusto ko tuloy umiyak. Tapos natatakot pa ko sa boss ko, feeling ko lagi akong may mali, at worst feeling ko wala pang tama sa mga ginagawa ko. AT pakiramdam ko hindi wala talaga kong naitutulong saknila kundi clerical works lang. Sana secretary nalang pala kinuha nila. Haaisst bakit ba kasi ang tanga tanaga ko!?!? Naiiyak na naman talaga ko. Gusto ko namang pagbutihan yung trabaho ko eh. Ginagawa ko naman ng tama. Kaso may mali at pagkukulang nga ako, minsan talaga ang tamad tamad ko. Pero kahit na! Sana wag naman nila iparamdam sakin na wala ko masyadong kwenta! Kasi kahit ganito ako inaayos ko naman work ko. Nakakaiyakl talaga. OO mas maganda trabaho ko ngayon pero mas stressfull dahil sa pakikitungo ng mga katrabaho ko. >_< Pero bakit sa iba ok naman sila, ako ba talaga may mali? Anong mali sa ugali ko? Wala naman akong ginagawang makakasama sa kanila eh. Maayos akong nakikipagtrabaho sa kanila. At yung pagiging tamad ko minsan hindi naman sila ang naapektuhan kundi ako mismo. Kasi kahit tamad ako pinipilit kong makapagsubmit sa oras ng tama, yun lang ngarag ako kasi last minute cram ako. Pero paki ba nila duon? Basta tama naman yung ginagawa ko at hindi naman nadedelay! Haissst! Grabe SUPER STRESS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Nakakaiyak talaga........................ Kailangan ko ng maiiyakan................................................... Kahit wala siyang sabihin at kahit wala akong sabihin makaiyak lang ako, mailabas ko lang to................................................................................... T_T..........................

Thursday, November 22, 2012

Anti Stress Breakfast!





My Anti Stress breakfast! Grabe, wala kasi talaga ako sa hulog kaya kailangan ko nito :D ayun kahit paano okay naman na pakiramdam ko. Focus nalang ang hinahantay ko para mas makapagwork ng maayos. Ang hirap kasi kapag puyat, wala talaga sa hulog kapag gising. Haist. Di Bale kaya namin to ni Lord, AJA! :D

Kaba

Dear Papa God,

Kinakabahan po ako. Nakakaramdam na naman po ako ng intimidation, na hindi ko kaya, na hindi ko alam. Hindi ko po alam kung bakit ngayon pa po ito umaatake sakin. Gusto ko pong mapabuti itong trabaho ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero magulo. Hindi naman po ako makakapagsinungaling sa inyo kasi alam nio po kung anong laman ng puso at isip ko. Hindi ko po alam kung anong action ang dapat kong gawin ngayon. Pinanghihinaan na naman po ako. Pakiramdam ko po kasi kagaya nung una akong nagreport pinabayaan ko silang titigan yung report ko. Hindi ko po alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko po alam kung anong analysis ko. Kung ano bang dapat kong makita at kung paano ko iyon makikita T_T. Papa God, nahihirapan po ako ng ganito. Alam ko po mababaw ito kung ikukumpara sa problema ng ibang tao. Pero ayaw ko pong nararamdaman to.

Narealize ko lang po habang sinusulat ko ito mali na ayaw ko to kasi ibinigay nio po ito sakin ehh. Pero bakit po ganun, yun pa din nararamdaman ko... Ang bad ko na naman. Nirereject ko na naman po kayo. Sorry Lord. Sorry po.... Sana po iguide nio ako sa dapat kong gawin. Alam ko po nanjan lang kayo. I pray for strength po to overcome this anxiety Papa God. Sana hindi po ako mabully ng mga pagrereportan ko tomorrow. Sana po hindi ako mapahiya. At sana hindi na po ako tamarin. T_T

This is pray po in the name of Jesus, my Lord and Saviour, Amen.

Tuesday, November 20, 2012

Busyness OVERLOAD!!!

WAAAHHH!!!!!!! Grabe na to! Hindi ako nagkasya sa fast thoughts kaya talaga gumawa ako ng new post ko. Ilang araw na lang kasi reporting na sa **** meeting kaso feel ko hindi a ako ready. Natataranta pa ako. Hindi ko mapagsabay ng maayos ang work ko habang inaaral ko siya. As in aligaga kung aligaga. At may mga work na talaga akong hindi nasusubmit lalo na sa **. Hala, sana makasanayan ko na to. Sa umpisa lang yan teh! Kering keri mu yan! AJA!

WAaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!! Gusto ko magsisigaw! Kulang ang 24 hours para makatapos ako sa dapat ko gawin! Although nag-eenjoy ako sa ginagawa ko my problem is hindi sila magkasaya lahat sa 24 hours a day! Sana kasi meron man lang munang training time yun bang sinasabayan ko ng aral yung ginagawa ng boss at sana hinay hinay lang kaso malabo ata yun sa mundong ginagalawan ko ngayon! Haist! Bongang pagkataranta na talaga itey!

Pero hindi ako susuko! Kaya ko to! Wag naman sanang unatake si katam sa maling oras dahil kung hindi lagot na ko. Huhu.... Kahit pa naman anong aral ang gawin ko basta umatake na si KATAM waley na ko magagawa! Ayyy hindi! Basta! With GOD all things are possible! I can do this! With God i can do this! WE will do this!!! AMEN!! ^_^

GAMBARIMASU!

Monday, November 12, 2012

Eto na to!

Kahit paano sinasagot naman mga questions ko, kailangan ko lang ay mag-aral ng mabuti, focus at magtiwala sa sarili ko. Kaya ko to!

Lahat ng ito opportunities. Wag akong matataranta. Tandaan sa trabaho kong ito bawal magkamali ng bonggang bongga! Wala naman akong dapat katakutan eh. Nilagay ako dito ni Lord kasi may dahilan siya. Kaya sana tigilan ko na katamaran ko.

Simula na to. Totoo na. Kapag hindi ako nakacomply wala na. So it's now or never. Do or don't. Kaya dapat aim high lagi girl! Walang masama sa ginagawa mo. Pero maiiwan ko na nito ang net for a while. Ok lang, i need this, at alam kong gusto ko to. Ramdam kong i want success!

At sa lahat ng ito ay kasama ko si Papa God. SO wala akong dapat ikabahala kasi never akong pababayaan ni Lord! This will only give me strength that i need, i knowledge, and the experience that will bring me to success! Alam ni Lord na lahat ito ay for my best so magtitiwala ako sa Kanya! ^_^

ganbatte ne *****-chan. 頑張って ね *****-ちゃん
hai! ganbarimasu! ^_^ はい! 頑張ります! ^_^

Monday, November 5, 2012

Masayang Puso

Bakit masaya ang puso ko? Kasi sinabihan lang naman ako ng taong mahal na mahal ko na ako ang inspirasyon niya kaya siya nagsisikap mapabuti ang buhay niya.

Sa kabila ng lahat ng kakulangan ko, pagbabago sakin, lahat ng hindi maganda sakin, nagsisikap pa rin siya para sa akin, para sa amin. Sino ba naman ang hindi sasaya ang puso nito. 

Ang mga sinabi niyang to ang nagbibigay din sakin ng lakas ngayon sa kabila ng lahat ng masasaklap na dinaranas ko, nakatayo pa din ako. Dahil sa paniniwala niya sakin, at patuloy na pagmamahal kaya patuloy pa din akong lumalaban sa buhay.

Oo madalas may mga pagkakataong nagkakasakitan kami, pero mas pinipili pa din namin na manatili sa piling ng bawat isa. Blessed talaga ako dahil sa kanya. Blessed ako na mahal niya ako. At ako, patuloy ko siyang mamahalin ng buong puso ko at buong buhay ko. Wala ng hihigit pa sa kanya. 

Salamat sayo, dahil sayo may dahilan ako para maging masaya. Dahil sayo may lakas ako para harapin ang bawat umaga. Dahil sayo, meron akong pag-asa. Mahal na mahal kita, at patuloy pang mamahalin hanggang sa matapos ang walang hanggan. 

Dalangin ko, na sana wag ka na Niyang kunin sa akin at ibigay pa sa iba. Dalangin ko na sana palagi kang maging masaya. Dalagin ko na sana hindi na matapos pa ang pagsasama nating dalawa. :) 

♥♥♥

Ang Saklap

Eto na uunahin ko, para pagtapos nito yung magandang bagay na maalala ko bago ko magstart magwork. Anyways what happened ba? Ayun base sa title ang saklap, kasi nakakalungkot ang saklap ng sitwasyon ko ngayon.

This happened Sunday ng madaling araw. Daming pumasok sa isip ko. Daming mga bagay na habang naiisip ko nasasaktan ako ng sobra. At hindi ko sinasadyang saktan ang sarili ko sa pag-alala ng mga bagay na yon.

Sabi nila, ikaw daw may hawak ng kasiyahan mo walang iba. Pero minsan depende pa rin sa sitwasyon na meron ka. Tulad ng nangyari sakin. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, kakayanin niyo kayang maging masaya parati?

Ano nga ba sitwasyon ko?

Kabilang ako sa isang buong pamilya. Physically buo pero when you look dedper i am part of a broken family. Yun tipong natatakot kang umuwi sa inyo sa tuwing magkasama sa bahay ang mga magulang mo dahil hindi mo alam baka pagdating mo sigawan at murahan na naman aabutan mo. Yung tipong inaabangan mo nalang araw araw kung mag-aabay ba sila o hindi. Mabuti kung hindi massaklap kung oo.

Tapos dadating ka pa sa point na, mas takot ka pang dumating ang pasko kesa undas. Takot ka kasi hindi mo alam kung paano ise-celebrate ang pasko. Kumpleto nga kayo pero ano? Dati rati, hindi kayo nakakaluwag sa buhay pero masaya kayo. Ngayon ang gulo na ng buhay niyo. Ang gulo na ng buhay KO! T_T

Umabot pa ko sa puntong napagod na rin akong mangarap para sa sarili ko. Naging matigas yung puso ko. Sobrang sama ko na alam ko. Ang gusto ko nalang makatakas sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Wala na kong nilolook forward. New year? So? Hindi na maayos ang pamilya ko. Ano pang silbi ng pagpapaayos namin ng bahay kung wasak naman yung titira?

Ang saklap. Dati, iniisip ko, kapag nagkatrabaho na ko, kapag kumikita na ko ng husto, magiging masaya na ang pamilya ko. Pero ano ng nangyayari ngayon? Wala na kong matatawag na pamilya. Sobrang saklap. Hindi ko masasabing magiging masaya ko at matagumpay kung ganito rin naman nangyayari... T_T T_T T_T

Haaaayy......... Sobrang lungkot talaga........ :'(

Wednesday, October 31, 2012

Super Inlove! ♥

OMG!!!! Ang saya saya ko kagabi!!!!!!!!!!! ♥♥♥♥

Hinga muna, inhale.... exhale.... Hahaha! Super saya ko lang talaga kagabi, ang cute cute ng bf ko! Nagkulitan lang naman kami ng nagkulitan. Ang saya saya niya kausap at kasama. Ang sarap din niyang titigan! ♥


Sana madaming ganung gabi sa buhay namin. At hindi lang gabi, pati araw siyempre at buong maghapon. Yung tipong magkatabi kayo naghaharutan, tas biglang titigil para magtitigan, then magkikiss ng sweet... tapos akapan, tas magsasabihan ng matatamis na "I love you best ko..." Haaaaay.... Sarap :) Para kong nakalutang.


Ito isa pa, sinabihan niya ko ng ang swerte ko talaga sayo ^_^. Sobrang flattered naman ako dun. Ako din naman sobrang swerte sa kanya. Na kahit madami may ayaw sakin, sa ugali ko, sa personality at sakin mismo, eh hindi niya pa rin ako iniiwan. 


Hanggat maari ayaw ko na mag-away kami. Ayaw ko na kasi nahihirapan siya, palagi ko nalang kasi siya dinadalhan ng sakit ng ulo. Kaso nahihirapan akong ayusin ang ugali ko ngayon. Kaya nga madami ng nagagalit sakin eh. Buti hindi niya ko sinusukuan. Kaya naman mahal na mahal ko siya... :)


Tama na ang drama, hehe. Tapos hinatid niya pa ako kagabi. Ang bait bait talaga niya. Ang sweet sweet niya... Kaso buong byahe akong tulog na nakadantay sa kanya. Pero happy pa din kasi nga nakadantay ako sa kanya. :) Tapos ang dami kong kiss sa kanya kagabi! Dami ko tsansing! Haha! 


Basta, SUPER SAYA AT SUPER IN LOVE AKO! ♥♥♥ ^_^

Tuesday, October 30, 2012

Happy Day! :)

Task for today: to be happy without looking for approval.
Ang saya nito. Saktong sakto sa araw ko. :) Happy at god vibes kahit antok pa at muntik ng malate. Magkikita kasi kami later eh hehe. 

Naisip ko lang, kayang kaya ko naman maging masaya eh. Despite anything na nangyayari sa paligid ko. Pwede ko naman sabihing "the hell i care" diba? Kaso the fact that "i care" hindi na kaya kahit gusto ko maging masaya madalas talaga hindi pwede, hindi kaya. 


Ang mahalaga naman nun, after mong maging miserble at mag-inarte sa ilang sandali ng buhay mo, kayang kaya mo ulit bumangon, tumawa at ipagpatuloy ang buhay. 


Ganyan lang naman talaga ang mundo. pero, PERO wag mong gawing dependable sa ibang tao or bagay ang ikasasaya mo. Hayaan mo sila. Bahala sila. Kapag kaya mong maging masaya GO! :)


Kaya ako ngayon, tigil muna sa mga miserableng bagay. Excited ako sa trabaho at lalo na sa love life! ^_^ Magkikita kami mamaya kaya super excited ako. Gusto ko ng mag-6:45 para makita ko na siya! Sobrang excited lang kasi super in love din naman. Hehe, i love him sobra at sobrang saya ko ngayon without asking for any of your approval! :D 

Monday, October 29, 2012

Random Thoughts 2

Actually kagabi ko pa to naisip. Third year JS Prom.

Pumasok sa isip ko ang JS nuong third year ako habang naliligo ako kagabi. Kumakanta kasi ako ng songs ng Southborder. Kasi one our our prom theme song was Wherever You Are na kanta nila. 


As i was taking a bath, paulit ulit kong kinakanta songs nila then nung yan na kinakanta ko naalala ko bigla ang gabing yon. Kung saan lahat magaganda. Parang lahat in love. Ngiting ngiti pa ako. Masaya kasi makakasayaw ko sa unang pagkakataon yung taong mahal ko sa panahong iyon. 


Spell asa. Halos matapos na ang program ni minsan hindi niya ako niyayang magsayaw. Buti na lang nandoon ang friend ko na si GKT, alam niya ang nararamdaman ko kaya niyaya niya akong sumayaw. Gusto ko na ngang umiyak noon pero sabi niya, "ok lang yan, pangit naman nun ehh". Natawa ako bigla, kaibigan ko talaga siya. 


Isa pang kaibigan ko, si FSAJ, concern din siya sakin kaya hinatak niya talaga si bf ko para isayaw ako. Ang saklap diba? Kailangan pa siyang hatakin ng ibang tao para isayaw niya ako na GF niya. OUCH! Sakit sobra. Gusto ko na talaga umiyak habang kasayaw siya. At ito pa isa pang masakit, monthsary namin nuon. Alam mo yung feeling na kaawa awa naman tong babaeng to. Tsk tsk.


Pag-uwi ko sa bahay, kahit nakagown pa ako, deretso ako sa rest room sabay iyak. Ang sakit nun grabe. Para kong ewan na hindi talaga pinansin. Isinantabi. Pero alam niyo ba, nung nasa cr ako kagabi, habang iniisip ko to, hindi ko an naramdaman yung sakit. Ang namayani sakin awa duon sa dating ako na namamalimos ng attention at pagtrato ng tama. 


Pero nung bigla kong naisip na yung kasalukuyang bf ko ngayon ang lalaki na nasa alaala ko, biglang may parang kumurot sa puso ko. Nung napalitan ng mukha ng mahal ko ngayon yung mukha ng ex ko gusto kong umiyak. Ang sakit... Pero Buti nalang hindi iyon totoo. Naisip ko bigla kung gaano ako kablessed sa kasalukuyang mahal ko at mamahalin ko for eternity. At mahal na mahal ko siya... :) at mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko talaga siya! Sobrang saya ko dahil sa kanya! :)

Sunday, October 28, 2012

Badtrip

Half okay, half guilty ako.
Why? Here's the story.

Kagabi kasi nagtatalo dalawang kapatid ko, inawat ni papa then knocked on the CR kung san nandon si mama para yung isa kong kapatid may magamit na duon. Kaso ang akala nung isa, humihingi ng tulong si papa. Kaya paglabas niya, matapos niyang talakan yung dalawa kong kapatid pati tatay ko inaway niya. Hindi na napigilan bunganga niya kaya namura na siya ni papa.


Then, here i entered. Tinalakan ko din si mama. Sinabi ko sa kanya kung anong mali niya. Nakipagsabayan ako sakanila. Then sakin na nagalit si mama. At ito ang cause para tumigil na yung talakan ng dalawang parent ko.


Yun na nga, somehow okay ang feeling ko. Una, dahil sa hindi natuloy ang war nila mama at papa. Hindi na sila nagtuloy na nagtalakan at nagmurahan. Okay na ang treatment nila sa isa't isa ngayon. Walang bangayan. Pangalawa, nasabi ko sa kanya gusto kong sabihin. Nasabi kong naiinis ako sa walang preno niyang bunganga. Naboses ko sakanya na mali siya. Na may mali siya. Nailabas ko sa kanya gusto kong sabihin.


Half guilty, kasi maling mali yung ginawa ko. Nothing more nothing less, mali ako.


Haist. . . . .

Wednesday, October 24, 2012

Scared

Next time, be careful.
As i opened my email early this morning eto bumungad sakin. Natakot ako bigla. Eto naba simula ng kinatatakutan ko? Pero atleast nakakapanatag ang texts ni Manager ko sakin. It gives me courage somehow. Nattakot ako kasi baka magsunod sunod na to. 

Gusto kong maging mahusay sa trabaho ko. So i should give up some of the unimportant things na ginagawa ko. I know i can do this. I can feel God is encouraging me. I just have to open up myself. At eto na naman ako sa problema ko simula palang. Haist. Ako na may problema eh. Nandito na sagot nagpapabaya pa ako. Ano pa bang hinihintay ko. Pero pakiramdam ko talaga may hinihintay pa ako.


Sa ngayon, natatakot talaga ko. Pero nararamdaman ko ang hope ni Lord. I want to pray na sana, gawin Niya sakin ang gusto Niyang mangyari or gawin ko. At alam ko naman na hindi iyon makakasama sakin. Sana bigyan Niya ako ng strength para makaya ko pagdaanan mga dapat ko pagdaanan. Lord, i lift this up to you. Amen.

Tuesday, October 23, 2012

His Miracle

I was just having a bad day. A confusion, turned into a mess, which eventually become my problem that stresses me for the past few weeks.

Here's what happened. (I'll do this in taglish, hindi ko kayang pure english)


One of our business processes was currently turned over to me. I wasn't so familiar with it. Medyo mabilisan ang pangyayari, when it was turned over to me meron na agad akong ipoprocess. ang ending nagkaron ng confusions at mis-understanding. 


A document that supposedly submitted to a specific person was given to the wrong person (which i know is not my fault). Then they processed the request. So to make sure that the request wasn't processed twice, we canceled the transaction for the supposedly right receiver of the document. 


But then, suddenly that processed request was cancelled so we have to continue the request on the right person. Now the people requesting was getting mad at me (maybe) due to the confusions in the process. Now i have to explain to my Head was really happened.


Nakakastress siya sobra. But when i asked my manager re this issue i was calmed. she gave me a better advice on how should i handle this. Then the requesting person who i think is mad at me said sorry. This is unbelievable. 


God knows what's happening to me. And even if i really didn't pray for it, he rescued me, because He love me. Ngayon mag-aantay pa ba ko ng iba pang bagay para maging ready ako. Ayan na oh, He is calling me na. He's making His moves. Ano pa bang inaalala ko??


Kanina gusto kong umiyak sa takot. Ngayon relieved na ako. Salamat Panginoon. Pero may isa pa. Kailangan ko pa kausapin Head ko, at kinakabahan ako dito. Pero thank God talaga, atleast hindi naman pala galit sakin yung nagrequest. #whew! 

Light

Somehow, i am seeing light this morning. God's grace is entering my soul. God's love is reaching every  wound in my heart. But still, i am hesitant. I cannot embrace fully what God is offering me. How foolish am I?

What am i thinking? First, i can't. I feel i am not ready yet. I cannot do it yet. I know He's there and He'll help but it won't work not until I open mu whole self to Him. And i can't do that for now. I am still fighting with me. 

"If you're struggling tonight, I want to remind you how BIG, FAITHFUL, GRACIOUS, LOVING, and COMPASSIONATE God we have. Be assured He will not leave ypu nor forsake you, even if you fell flat on your face." - G. Beltran
Then suddenly, i saw this. Oh, God is really reaching out for me... T_T  Now i am not sure how i feel. I don't know what to do. The answer is already here but i can't accept it yet.

I want to pray. That's the only thing i CAN do right now that i know i am sure that my heart wants to do. I pray that God will guide me even if i am not walking with Him. I pray for His patience in me. That He may give me the strength to move forward and courage to take His plans for me. That in the near future He will make me ready to be His servant, friend, daughter and princess, again.


To all who may read this, please pray for me too. I can't let myself jump into His hands now because i know my heart not yet ready. I might end up hurting Him again and again. Please pray for me.


My deepest gratitude to all.


Monday, October 22, 2012

Hated

Sobrang paulit ulit na tong nangyayari sakin...
Paulit ulit ng pinamumukha sakin kung gaano kapangit ugali ko.
Ang sakit sakit na.
Ang hirap na maging strong and tell everybody that you are okay.
Am i that bad.....? T_T
I want to cry out loud....
What's wrong with me?
What's wrong with being me?
People around me don't just "don't like me" but they hate me! T_T
What have i done wrong to them...?
Have i hurt them? Have i done something that hurt them?
I really sad right now...
I am thinking maybe it's better if i didn't exist.
I feel useless, unwanted and worst HATED! :'(
The pain is cutting my soul so deep. 
I want to cry.... I want to give up....
I don't want to be me anymore...
Because i am bad and people hate me!
This are not just intuitions or guests but this is what they made me feel.
This is too much...
Ang sakit sakit na... T_T.......
Sobrang sakit na....... 

Losing Hope

Honestly, i am losing hope. In all aspects of my life...

I am super intimidated sa mga tao sa paligid ko. Ayoko na magtry, kasi lahat sila alam ko namang ayaw na nila sakin eh... Ang sama sama ko na sa kanila. Hindi ko na alam paano pa ko magiging maayos sa paningin nila.


Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang na ganito. Na "eh ano ngayon kung yan tingin nila sakin basta alam kong wala akong ginagawang masama". Hindi na pwede yan ngayon. Kasi kailangan ko ng maayos na relationship sa trabaho kung gusto kong maging maayos work ko. Pero parang wala na ko patutunguhan. Pakiramdam ko wala akong kwenta dito... T_T. Na hindi naman talaga ako marunong at hindi ako matututo ng tamang work dito.


Bakit ba ganon...? Ang hirap naman... Gusto kong umiyak... Nakakapagod na... Hindi ko na alam saan ako dapat pumunta. Pakiramdam ko wala ng pag-asa. Wala ng magiging tama sa ginagawa ko. Wala ng magiging maayos sa personality ko. At wala ng gugustuhing makatrabaho ako.


Hindi lang sa trabaho kundi sa personal na buhay ko ang laki ng problema ko sa tingin sakin ng tao. Kahit pa sabihin kong hindi dapat ako magpaapekto hindi maaaring hindi ako maapektuhan. Kailangan ko ng tulong.. Kailangan ko ng tulong.. :'(

Random Thoughts 1

Ang dami namang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na alam kung anong unang dapat isipin, kung saan dapat magfocus. Ang sakit niya sa ulo. 

Ang dami mo ngang iniisip kundi man walang kwenta, nasasaktan ka naman nung thought. Sigurado kapag nabasa to nung mga classmate ko before na hindi ako feel sasabihan lang akong ang dami kong alam. Ang drama na ewan. Tsaka ang babaw. 


Tulad neto, ang sakit naman isipin nuon, bakit ba kailangan nila ko i-down :(. Why do they have to judge me? Sabi ng bf ko wag na daw ako magpaapekto, kaso hirap naman ako gawin yon. Ewan. Ang gulo na bigla ng buhay ko.


Hindi ko alam kung paano na ko ulit magpapatuloy or need ko na ba magsimula ulit? Anu kaya gagawin ko? Eto na naman ako sa tanong na yan. Habang sinusulat ko naiisip kong sinasabi ng taong yun sakin, "walang ka-kwenta kwenta tsk" :'(. 


San ba ko dapat lumugar...? :'(

Disappointed

I am so disappointed na sa sarili ko. 

Sa work.

Sa bahay.
Sa dating classmates.
Sa mga kaibigan.
Sa pamilya ng kasintahan.

Sa lahat ng yan. Disappointed ako sa sarili kung paano ako NGAYON makitungo sa kanila. Ngayon?! Kasi dati hindi naman ako ganito. Walang naiinis sakin, walang pangit as in pangit na ugali sakin na talagang kabubwisitan mo. 


Pero ngayon, ang dami ko ng naririnig. Ang dami na nilang angal. Ang dami ng masasakit na salita. Hindi ko na alam saan ako lulugar. :'( Hindi ko na alam paano ko pa aayusin sarili ko.


Isa pang problema ko, ang layo ko na naman kay Lord. At sinong may kasalanan? Edi ako. Oo. Walang iba kundi ako. Haist.... Ako mismo sumisira sa sarili ko. Kaya marami ng tao ngayon ayaw na sakin. Galit sa ugali ko. At hindi na ako tanggap na maging kaibigan, kapamilya or katrabaho nila... 


Masakit sobra. Pero kasalanan ko pa din naman hindi ako gumagawa ng paraan para masolusyonan ko to. Alam ko ding hindi ko to kaya pero hindi ako humihingi ng tulong kay God. Ay ewan ko ba sa sarili ko. Alam ko naman kung anong dapat gawin hindi ako kumikilos. Haaay ang sakit na pero pinababayaan ko lang. Kelan kaya ako titino? Kelan ko kaya aayusin sarili ko T_T...