Wednesday, October 31, 2012

Super Inlove! ♥

OMG!!!! Ang saya saya ko kagabi!!!!!!!!!!! ♥♥♥♥

Hinga muna, inhale.... exhale.... Hahaha! Super saya ko lang talaga kagabi, ang cute cute ng bf ko! Nagkulitan lang naman kami ng nagkulitan. Ang saya saya niya kausap at kasama. Ang sarap din niyang titigan! ♥


Sana madaming ganung gabi sa buhay namin. At hindi lang gabi, pati araw siyempre at buong maghapon. Yung tipong magkatabi kayo naghaharutan, tas biglang titigil para magtitigan, then magkikiss ng sweet... tapos akapan, tas magsasabihan ng matatamis na "I love you best ko..." Haaaaay.... Sarap :) Para kong nakalutang.


Ito isa pa, sinabihan niya ko ng ang swerte ko talaga sayo ^_^. Sobrang flattered naman ako dun. Ako din naman sobrang swerte sa kanya. Na kahit madami may ayaw sakin, sa ugali ko, sa personality at sakin mismo, eh hindi niya pa rin ako iniiwan. 


Hanggat maari ayaw ko na mag-away kami. Ayaw ko na kasi nahihirapan siya, palagi ko nalang kasi siya dinadalhan ng sakit ng ulo. Kaso nahihirapan akong ayusin ang ugali ko ngayon. Kaya nga madami ng nagagalit sakin eh. Buti hindi niya ko sinusukuan. Kaya naman mahal na mahal ko siya... :)


Tama na ang drama, hehe. Tapos hinatid niya pa ako kagabi. Ang bait bait talaga niya. Ang sweet sweet niya... Kaso buong byahe akong tulog na nakadantay sa kanya. Pero happy pa din kasi nga nakadantay ako sa kanya. :) Tapos ang dami kong kiss sa kanya kagabi! Dami ko tsansing! Haha! 


Basta, SUPER SAYA AT SUPER IN LOVE AKO! ♥♥♥ ^_^

Tuesday, October 30, 2012

Happy Day! :)

Task for today: to be happy without looking for approval.
Ang saya nito. Saktong sakto sa araw ko. :) Happy at god vibes kahit antok pa at muntik ng malate. Magkikita kasi kami later eh hehe. 

Naisip ko lang, kayang kaya ko naman maging masaya eh. Despite anything na nangyayari sa paligid ko. Pwede ko naman sabihing "the hell i care" diba? Kaso the fact that "i care" hindi na kaya kahit gusto ko maging masaya madalas talaga hindi pwede, hindi kaya. 


Ang mahalaga naman nun, after mong maging miserble at mag-inarte sa ilang sandali ng buhay mo, kayang kaya mo ulit bumangon, tumawa at ipagpatuloy ang buhay. 


Ganyan lang naman talaga ang mundo. pero, PERO wag mong gawing dependable sa ibang tao or bagay ang ikasasaya mo. Hayaan mo sila. Bahala sila. Kapag kaya mong maging masaya GO! :)


Kaya ako ngayon, tigil muna sa mga miserableng bagay. Excited ako sa trabaho at lalo na sa love life! ^_^ Magkikita kami mamaya kaya super excited ako. Gusto ko ng mag-6:45 para makita ko na siya! Sobrang excited lang kasi super in love din naman. Hehe, i love him sobra at sobrang saya ko ngayon without asking for any of your approval! :D 

Monday, October 29, 2012

Random Thoughts 2

Actually kagabi ko pa to naisip. Third year JS Prom.

Pumasok sa isip ko ang JS nuong third year ako habang naliligo ako kagabi. Kumakanta kasi ako ng songs ng Southborder. Kasi one our our prom theme song was Wherever You Are na kanta nila. 


As i was taking a bath, paulit ulit kong kinakanta songs nila then nung yan na kinakanta ko naalala ko bigla ang gabing yon. Kung saan lahat magaganda. Parang lahat in love. Ngiting ngiti pa ako. Masaya kasi makakasayaw ko sa unang pagkakataon yung taong mahal ko sa panahong iyon. 


Spell asa. Halos matapos na ang program ni minsan hindi niya ako niyayang magsayaw. Buti na lang nandoon ang friend ko na si GKT, alam niya ang nararamdaman ko kaya niyaya niya akong sumayaw. Gusto ko na ngang umiyak noon pero sabi niya, "ok lang yan, pangit naman nun ehh". Natawa ako bigla, kaibigan ko talaga siya. 


Isa pang kaibigan ko, si FSAJ, concern din siya sakin kaya hinatak niya talaga si bf ko para isayaw ako. Ang saklap diba? Kailangan pa siyang hatakin ng ibang tao para isayaw niya ako na GF niya. OUCH! Sakit sobra. Gusto ko na talaga umiyak habang kasayaw siya. At ito pa isa pang masakit, monthsary namin nuon. Alam mo yung feeling na kaawa awa naman tong babaeng to. Tsk tsk.


Pag-uwi ko sa bahay, kahit nakagown pa ako, deretso ako sa rest room sabay iyak. Ang sakit nun grabe. Para kong ewan na hindi talaga pinansin. Isinantabi. Pero alam niyo ba, nung nasa cr ako kagabi, habang iniisip ko to, hindi ko an naramdaman yung sakit. Ang namayani sakin awa duon sa dating ako na namamalimos ng attention at pagtrato ng tama. 


Pero nung bigla kong naisip na yung kasalukuyang bf ko ngayon ang lalaki na nasa alaala ko, biglang may parang kumurot sa puso ko. Nung napalitan ng mukha ng mahal ko ngayon yung mukha ng ex ko gusto kong umiyak. Ang sakit... Pero Buti nalang hindi iyon totoo. Naisip ko bigla kung gaano ako kablessed sa kasalukuyang mahal ko at mamahalin ko for eternity. At mahal na mahal ko siya... :) at mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko talaga siya! Sobrang saya ko dahil sa kanya! :)

Sunday, October 28, 2012

Badtrip

Half okay, half guilty ako.
Why? Here's the story.

Kagabi kasi nagtatalo dalawang kapatid ko, inawat ni papa then knocked on the CR kung san nandon si mama para yung isa kong kapatid may magamit na duon. Kaso ang akala nung isa, humihingi ng tulong si papa. Kaya paglabas niya, matapos niyang talakan yung dalawa kong kapatid pati tatay ko inaway niya. Hindi na napigilan bunganga niya kaya namura na siya ni papa.


Then, here i entered. Tinalakan ko din si mama. Sinabi ko sa kanya kung anong mali niya. Nakipagsabayan ako sakanila. Then sakin na nagalit si mama. At ito ang cause para tumigil na yung talakan ng dalawang parent ko.


Yun na nga, somehow okay ang feeling ko. Una, dahil sa hindi natuloy ang war nila mama at papa. Hindi na sila nagtuloy na nagtalakan at nagmurahan. Okay na ang treatment nila sa isa't isa ngayon. Walang bangayan. Pangalawa, nasabi ko sa kanya gusto kong sabihin. Nasabi kong naiinis ako sa walang preno niyang bunganga. Naboses ko sakanya na mali siya. Na may mali siya. Nailabas ko sa kanya gusto kong sabihin.


Half guilty, kasi maling mali yung ginawa ko. Nothing more nothing less, mali ako.


Haist. . . . .

Wednesday, October 24, 2012

Scared

Next time, be careful.
As i opened my email early this morning eto bumungad sakin. Natakot ako bigla. Eto naba simula ng kinatatakutan ko? Pero atleast nakakapanatag ang texts ni Manager ko sakin. It gives me courage somehow. Nattakot ako kasi baka magsunod sunod na to. 

Gusto kong maging mahusay sa trabaho ko. So i should give up some of the unimportant things na ginagawa ko. I know i can do this. I can feel God is encouraging me. I just have to open up myself. At eto na naman ako sa problema ko simula palang. Haist. Ako na may problema eh. Nandito na sagot nagpapabaya pa ako. Ano pa bang hinihintay ko. Pero pakiramdam ko talaga may hinihintay pa ako.


Sa ngayon, natatakot talaga ko. Pero nararamdaman ko ang hope ni Lord. I want to pray na sana, gawin Niya sakin ang gusto Niyang mangyari or gawin ko. At alam ko naman na hindi iyon makakasama sakin. Sana bigyan Niya ako ng strength para makaya ko pagdaanan mga dapat ko pagdaanan. Lord, i lift this up to you. Amen.

Tuesday, October 23, 2012

His Miracle

I was just having a bad day. A confusion, turned into a mess, which eventually become my problem that stresses me for the past few weeks.

Here's what happened. (I'll do this in taglish, hindi ko kayang pure english)


One of our business processes was currently turned over to me. I wasn't so familiar with it. Medyo mabilisan ang pangyayari, when it was turned over to me meron na agad akong ipoprocess. ang ending nagkaron ng confusions at mis-understanding. 


A document that supposedly submitted to a specific person was given to the wrong person (which i know is not my fault). Then they processed the request. So to make sure that the request wasn't processed twice, we canceled the transaction for the supposedly right receiver of the document. 


But then, suddenly that processed request was cancelled so we have to continue the request on the right person. Now the people requesting was getting mad at me (maybe) due to the confusions in the process. Now i have to explain to my Head was really happened.


Nakakastress siya sobra. But when i asked my manager re this issue i was calmed. she gave me a better advice on how should i handle this. Then the requesting person who i think is mad at me said sorry. This is unbelievable. 


God knows what's happening to me. And even if i really didn't pray for it, he rescued me, because He love me. Ngayon mag-aantay pa ba ko ng iba pang bagay para maging ready ako. Ayan na oh, He is calling me na. He's making His moves. Ano pa bang inaalala ko??


Kanina gusto kong umiyak sa takot. Ngayon relieved na ako. Salamat Panginoon. Pero may isa pa. Kailangan ko pa kausapin Head ko, at kinakabahan ako dito. Pero thank God talaga, atleast hindi naman pala galit sakin yung nagrequest. #whew! 

Light

Somehow, i am seeing light this morning. God's grace is entering my soul. God's love is reaching every  wound in my heart. But still, i am hesitant. I cannot embrace fully what God is offering me. How foolish am I?

What am i thinking? First, i can't. I feel i am not ready yet. I cannot do it yet. I know He's there and He'll help but it won't work not until I open mu whole self to Him. And i can't do that for now. I am still fighting with me. 

"If you're struggling tonight, I want to remind you how BIG, FAITHFUL, GRACIOUS, LOVING, and COMPASSIONATE God we have. Be assured He will not leave ypu nor forsake you, even if you fell flat on your face." - G. Beltran
Then suddenly, i saw this. Oh, God is really reaching out for me... T_T  Now i am not sure how i feel. I don't know what to do. The answer is already here but i can't accept it yet.

I want to pray. That's the only thing i CAN do right now that i know i am sure that my heart wants to do. I pray that God will guide me even if i am not walking with Him. I pray for His patience in me. That He may give me the strength to move forward and courage to take His plans for me. That in the near future He will make me ready to be His servant, friend, daughter and princess, again.


To all who may read this, please pray for me too. I can't let myself jump into His hands now because i know my heart not yet ready. I might end up hurting Him again and again. Please pray for me.


My deepest gratitude to all.


Monday, October 22, 2012

Hated

Sobrang paulit ulit na tong nangyayari sakin...
Paulit ulit ng pinamumukha sakin kung gaano kapangit ugali ko.
Ang sakit sakit na.
Ang hirap na maging strong and tell everybody that you are okay.
Am i that bad.....? T_T
I want to cry out loud....
What's wrong with me?
What's wrong with being me?
People around me don't just "don't like me" but they hate me! T_T
What have i done wrong to them...?
Have i hurt them? Have i done something that hurt them?
I really sad right now...
I am thinking maybe it's better if i didn't exist.
I feel useless, unwanted and worst HATED! :'(
The pain is cutting my soul so deep. 
I want to cry.... I want to give up....
I don't want to be me anymore...
Because i am bad and people hate me!
This are not just intuitions or guests but this is what they made me feel.
This is too much...
Ang sakit sakit na... T_T.......
Sobrang sakit na....... 

Losing Hope

Honestly, i am losing hope. In all aspects of my life...

I am super intimidated sa mga tao sa paligid ko. Ayoko na magtry, kasi lahat sila alam ko namang ayaw na nila sakin eh... Ang sama sama ko na sa kanila. Hindi ko na alam paano pa ko magiging maayos sa paningin nila.


Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang na ganito. Na "eh ano ngayon kung yan tingin nila sakin basta alam kong wala akong ginagawang masama". Hindi na pwede yan ngayon. Kasi kailangan ko ng maayos na relationship sa trabaho kung gusto kong maging maayos work ko. Pero parang wala na ko patutunguhan. Pakiramdam ko wala akong kwenta dito... T_T. Na hindi naman talaga ako marunong at hindi ako matututo ng tamang work dito.


Bakit ba ganon...? Ang hirap naman... Gusto kong umiyak... Nakakapagod na... Hindi ko na alam saan ako dapat pumunta. Pakiramdam ko wala ng pag-asa. Wala ng magiging tama sa ginagawa ko. Wala ng magiging maayos sa personality ko. At wala ng gugustuhing makatrabaho ako.


Hindi lang sa trabaho kundi sa personal na buhay ko ang laki ng problema ko sa tingin sakin ng tao. Kahit pa sabihin kong hindi dapat ako magpaapekto hindi maaaring hindi ako maapektuhan. Kailangan ko ng tulong.. Kailangan ko ng tulong.. :'(

Random Thoughts 1

Ang dami namang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na alam kung anong unang dapat isipin, kung saan dapat magfocus. Ang sakit niya sa ulo. 

Ang dami mo ngang iniisip kundi man walang kwenta, nasasaktan ka naman nung thought. Sigurado kapag nabasa to nung mga classmate ko before na hindi ako feel sasabihan lang akong ang dami kong alam. Ang drama na ewan. Tsaka ang babaw. 


Tulad neto, ang sakit naman isipin nuon, bakit ba kailangan nila ko i-down :(. Why do they have to judge me? Sabi ng bf ko wag na daw ako magpaapekto, kaso hirap naman ako gawin yon. Ewan. Ang gulo na bigla ng buhay ko.


Hindi ko alam kung paano na ko ulit magpapatuloy or need ko na ba magsimula ulit? Anu kaya gagawin ko? Eto na naman ako sa tanong na yan. Habang sinusulat ko naiisip kong sinasabi ng taong yun sakin, "walang ka-kwenta kwenta tsk" :'(. 


San ba ko dapat lumugar...? :'(

Disappointed

I am so disappointed na sa sarili ko. 

Sa work.

Sa bahay.
Sa dating classmates.
Sa mga kaibigan.
Sa pamilya ng kasintahan.

Sa lahat ng yan. Disappointed ako sa sarili kung paano ako NGAYON makitungo sa kanila. Ngayon?! Kasi dati hindi naman ako ganito. Walang naiinis sakin, walang pangit as in pangit na ugali sakin na talagang kabubwisitan mo. 


Pero ngayon, ang dami ko ng naririnig. Ang dami na nilang angal. Ang dami ng masasakit na salita. Hindi ko na alam saan ako lulugar. :'( Hindi ko na alam paano ko pa aayusin sarili ko.


Isa pang problema ko, ang layo ko na naman kay Lord. At sinong may kasalanan? Edi ako. Oo. Walang iba kundi ako. Haist.... Ako mismo sumisira sa sarili ko. Kaya marami ng tao ngayon ayaw na sakin. Galit sa ugali ko. At hindi na ako tanggap na maging kaibigan, kapamilya or katrabaho nila... 


Masakit sobra. Pero kasalanan ko pa din naman hindi ako gumagawa ng paraan para masolusyonan ko to. Alam ko ding hindi ko to kaya pero hindi ako humihingi ng tulong kay God. Ay ewan ko ba sa sarili ko. Alam ko naman kung anong dapat gawin hindi ako kumikilos. Haaay ang sakit na pero pinababayaan ko lang. Kelan kaya ako titino? Kelan ko kaya aayusin sarili ko T_T...