Friday, December 28, 2012

Otaku Ako?



Hehehe. Ito ang isa sa mga inspirasyon ko ngayon. Grabe addict na nga ata ako! Wahooo! Nakaka-inlab talaga sila! yiiihhhhhhhh!!!!!!!!!!! Sana totoo nalang sila hahaha or sana pwede kong makapasok sa anime world kasi talaga gusto ko sila! Hayato, Zero, Kakashi, Byakuran, Kilua waaahhhhh!!!! at lahat na sila! ^_^ KAWAII!!!! ♥♥♥

Wednesday, December 19, 2012

Anu ba to?

Ang awkward naman ng feeling ko. :'( Naging hindi maganda gabi para samin ng mahal ko. Nagalit/nainis kasi ako sa kanya eh. Mali ako oo kasi naghusga ako na naggamit na naman siya ng ibang account. Kaso naiinis talaga ko sa pangalang yon. Bakit ba kasi ipinalit niya pa iyon. >_< Hindi tuloy maganda simula ng araw ko. Pero salamat pa din kay Lord kasi nagising ako today kahit bonggang Hipon at Orange Juice ang laman ng chan ko kagabi. Salamat po Panginoon. Sana maging ok pa din kami. Pero naiinis po talaga ako. Ayoko siyang kausapin ng ganon ang pangalan niya. Sama na naman ng loob ko sa kanya. Ang insensitive naman kasi niya eh. Haist ang sensitive ko naman masyado. Ayoko talaga ng mga ganitong moments. Inaantok ako. Huhuhu. Sana makapag focus na ulit ako sa work. Sana... Sana.... (sighhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh......................................)

Monday, December 17, 2012

Beautiful Morning!

Morning, morning, morning. This is not usual. because first of all this is special :). 40th month na that were together ng pinakamamahal ko. Isa pa i started the day busy. I accomplished few things agad samantalang before ganitong oras magstart palang akong magwork ng totoo. Sana magtuloy tuloy na ito at sana mas better pa. Yung walang interruptions.

Sometimes may mga nafifeel akong hindi maganda. But i am fighting it. And i know it's the holy spirit that fights with me kasi alam kong mali yung mga bagay na yon. I choose happiness today. Ayoko ng kahit anong makakadown sa feelings ko. Do these because of of Jesus. Alam mo kung gaano ka Niya kamahal. Alam mo kung gaano ka kamahal ng Ama sa taas.

Gusto ko na makahanap ng simbahan. Ng community na pwede kong pag servan. Lord kayo na po ang bahala sa akin kung saan ninyo ako gustong dalhin. I love you Lord. There is no greater love greater love that Your love for us. Thank you so much. Salamat Panginoon sa pagpapasaya. This i pray in Jesus Name. Amen. :)

Advance Happy Birthday Jesus! ♥♥♥

Friday, December 14, 2012

Nakakalungkot na Umaga :(


Waaahhh!!!!!!!!!!! Bwiset! Dami ko ng late na bagay na hindi nasusubmit sa boss ko! Putek! Asar talaga! Huhuhuhu Bad shot na naman ako nito. Kelan ba ko matututo!? T_T Huhu... 

Lord God, sorry po sa mga bad words... Gusto ko na naman umiyak. :'( May mali na naman ako. Lagot na naman po ako. Lord tulungan niyo po ako. Sana maging maayos na work ko. Sana sipagin na ko at gawin ko na ng matino ang trabaho ko. Lord kailangan ko po kayo para magawa ito. Gabayan Niyo po sana ako. Mangyari nawa sa akin ang nais po Ninyo. Salamat Lord. Naniniwala po akong hindi ninyo ako pababayaan at lahat ng ito may dahilan. Para sa ikabubuti ko din ito. T_T. Lord strengthen me. Thank you so much po. This i pray in the name of Jesus, Amen.

Tuesday, December 11, 2012

Martes

Whew! Natapos ko ang araw na to na kahit paano naging productive naman ako. Nakakatuwa lang. Sana bukas mas maging productive na ako. Ilang araw nalang meeting na naman sana may mai-share naman ako sa kanila na maganda. :) Lord, itinataas ko na po sa inyo ang lahat. Alam ko pong hindi ninyo ako pababayaan. Masayang masaya po ako at unti unti ay nakakabalik na ako sa inyo kahit minsan nalilihis pa din ako ng landas. Lord salamat po ha. Masaya po ako. As in masaya po dahil sa inyo. Yung feeling na naiiyak talaga ko sa mga nararamdaman at narerealize ko. Lord salamat po ng maraming marami. LAhat ng papuri ay sa inyo lamang. Amen. Ingatan niyo po ako, ang pamilya ko, mga kaibigan, kaopisina at ang mahal na mahal kong boyfriend.

Thursday, December 6, 2012

Ayoko NA!

Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!!!!! Napapagod na ko. Pikon na pikkon na ko! Baka next year wala na kong trabaho. Ano bang ginawa kong masama bat ako ginaganito?? Tae hirap na hirap na ko. Tama na utang na loob. Gusto ko ng magbreakdown!

Wala kong matrabaho. Wala kong maitulong sa grupo ko! Bwisit tong buhay ko! Wala ng kwenta!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tang Ina! Sobrang pagod na ko................... Ayoko na talaga....... Parang awa na........................................................ Tama na to..................... Suko na ko................ Ayoko na............................................... T_T. Hirap na ko....................................... T_T...... T_T........................ T_T................. T_T........................... Four consecutive days of sadness........................... Three consecutive nights of tears.......................... I cant carry more.................................................... Magbebreak down na ko............................................ T_T.....................................................................

Wednesday, December 5, 2012

Haist :'(

Ilang araw na kong ganito. Hindi makapagtrabaho ng maayos. Wala sa huwisyo. Walang gana kumain. Walang gana gumawa ng kahit ano. Hanggang titig sa pc nalang ako. Buti nga sinipag pa kong magsulat ngayon eh. Nawawalan na ng saysay buhay ko. Ayaw ko na nito. May patutunguhan pa kaya ako. Siguradong kapag may nagtanong sakin dito sa office mapapahiya lang ako kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Sobrang awkward ng pakiramdam ko. Wala talaga ako sa mood as in. Masama loob ko. May pinagdadaanan ako. At hirap akong kumawala don. Sabi ko nga sa kabilang page kapag nawala sakin yung taong yun siguradong gugulo buhay ko. Nakakawalang gana na gumising, pumasok, kumain, magtrabho. Nawawalan na ko gana mabuhay. As in wala lang.

Wala na rin akong ganang ayusin pa sarili ko. Ano ng gagawin ko? May pag-asa pa ba ako? Malamang meron pero hindi ako excited don. Hanggat ganito kaming dalawa ng bf ko, walang kahit sinong pontio pilato ang kayang makapagpabalik ng gana ko. ;(( Haaay buhay bakit ganyan ka? Ni hindi na rin ako nagsisimba at nagbubuklat ng bible. Walang prayer time. Struggles bakit ngayong end of the year kapa dumating? Kung kelan happy season diba? Ganda naman masyado ng timing mo.

Nganga. Ganyan ako ngayon. Hagang sa habang buhay ng magiging ganyan ako kung hindi ko aayusin tong buhay ko ngayon. Haist.................