Wednesday, May 29, 2013

Random Thoughts 13

Ayun, pang 13 pala to kaya imbyerna ko. Hindi naman totaly banas mejo inis lang saka nanlulumo na naman. Haayss hindi na talaga ako masaya dito. Tapos dami pa masyado marunong kala mo kung sinong mga perpekto. Kayo na! Kainis talaga.

Pano ka makakamove eh ni hindi nga nila pinaaalam yung ibang mga bagay bagay na dapat sana sinishare sakin? Sila sila lang lagi nag-uusap usap. Banas talaga!!!! Ayan nabwisit na ko. Kasi ngayon ngayon lang may ikinabwisit na naman ako.

Nakuu hindi magtatagal magreresign na talaga ko. Babalik nalang ako sa Audit! Mas matiwasay ang buhay ko doon. >_<

Monday, May 27, 2013

Happy Weekend!

Super happy ng weekends ko. Outing with my high school classmates ang saya saya! Kasama ko sa mga nag-organize at ang saya talaga kahit na super pagod. Tapos kasama ko pa mahal ko, kaya ayun mas lalo masaya! ^_^

Overnight swimming siya, kaya lang hindi kami masyado nag-enjoy sa mismong swimming, dahil sa sobrang dami ng tao. Buti nalang nagrent kami ng videoke kaya super enjoy ang concernt ng mga classmates ko haha!

Kahit konti ang food saya saya pa din! ^_^ Sa uulitin!

Friday, May 24, 2013

Dream Wedding Gown?


Parang eto na ata ang dream wedding gown ko... Napapangiti nalang ako kapag nakikita ko to... Kaso may problema pa eh... :'( 

Ang ganda talaga niya... Sana pwedeng yan din talaga ang maisuot ko sa wedding ko... Kahit hindi pink basta ganyan yung design... Ang ganda talaga... :)

Update

Ayun, just an update of what's happening and what happened to me.

Kahapon masama ang pakiramdam ko. Sobrang sakit ng katawan ko at ayoko kumilos ng kumilos. At the same time wala din kasi akong pera kaya naman hindi na talaga ko nakapasok.

Ngayon medyo tinatamad pa nga din ako eh. Wala akong gana. Gusto ko nalang manuod ng anime, namiss ko na si luffy.

Kahapon nagbasa ko sa wattpad, then nagsulat na din. Tapos tulog lang ako ng tulog. As in wala akong kagana gana. Miyak din ako. Kasi yung isang tao na haist.... Ayoko na pag-usapan.

Ayun lang naman nangyari sakin, kaya ngayon gusto ko na umuwi. :'(

Buti nalang may lakad kami ng mga clasmate ko bukas. Mas makakalimot na ako :)

Wednesday, May 22, 2013

Overwhelmed!!!

Grabe! Kanina banas na banas ako pero nung mabasa ko to "You own the skies and still You want my heart na overwhelm ako ng bigla ng husto. Ang sarap sa pakiramdam... Actually naiiyak nga ako eh, sa dami ng kaetchusan na iniisip ko bigla ko mababasa to. Ang sarap grabe, ang saya lang. Thank you Lord!!!! I love you so much! Hayaan ko na lang kung ano man mga nangyayari sakin sa paligid ko, ang malaman at marealize kung gano mo ko kamahal ang saya saya ko na ^_^ . Salamat Lord, kahit anong balik nung mga hindi magandang nangyayari sakin wala pa ring binatbat yun sa pagmamahal mo sakin. Salamat Lord God, naiiyak po talaga ko. After nitong sinusulat ko magwowork na po ulit ako. Salamat po Lord, I love you.... :*

Friday, May 17, 2013

Hindi Mapakali

Waaaah!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ako mapakali!!!!!!! Aalis talaga ko ng maaga ngayon bahala na bukas!!! Anak ng tinapa!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ko alam anong sasabihin ko. Hindi ko alam anong move gagawin ko! Bakit ba may mga ganitong pagkakataon! Kung kelan naman, aaarrrggghhhhh!!!!!!!!!!!!!! Huhuhu Lord bigyan Niyo po siya ng strength na makayanan to. Sana po hindi siya mawalan ng hope at maging negative sa buhay niya. Lord kailangan Niya po kayo. Sana po matulungan ko siya sa kahit anong paraan po Lord... Siguradong hindi siya masaya... :'(

Thursday, May 16, 2013

Stress ng Maaga

Haist, miiyak ako pag-alis ng bahay. Hindi ko naman kasi dapat talaga pinoproblema masyado ang pera diba? Dapat nga nag-eenjoy lang ako kasi dalaga pa ko. Tapos ganito? Tapos ako pa masisisi? Aba, nagtatae ba ko ng pera? Anak ng tinolang pera yan!!! Kainis talaga. Alam naman nila kung gaano lang kalaki sinasahod ko, alam din nila na may mga binabayaran ako, tapos nung nagdagdag sila ng utang ko, nung babayaran ko na maggagalit sila kasi yung inaabot ko sakanila ang mababawasan? Asa naman. Banas talaga. >_<

Wednesday, May 15, 2013

Grrr!!!

Asar!!!!!!!!! Aga aga, nakakabadtrip mga nababasa at naririnig ko. Mas gusto ko pang umuwi sa bahay at duon magtrabaho. Nababadtrip ako! Kainis talaga!!! Haay nako. Next year malamang sa malamang magresign na talaga ko. Yung phone lang iniisip ko ehh. Ayoko magbayad. Ang tanong ano na namang aapplyan sa susunod? Matino naman na kaya mga tao na makakasama ko? Naiinis na ko sa ganito eh. Kahit gusto kong magsipag tinatamad talaga ko dahil sa mga taong katrabaho ko. Oo magagaling sila pero hindi sila marunong umintindi ng empleyado nila. Hmf. Banas talaga! >_<

Tuesday, May 14, 2013

Weekend

Ayun, long weekend, wala akong nagawa re work, well i want to promise that sa sarili ko. Dapat magtrabaho ko ng mabuti sa office palang para hindi ko ginagamit weekends ko para magwork. I need to have a life no! Hahaha. Basta kapag nasa bahay dapat aral nlang ako mabuti or basa, or recreation.

Tulad nung ginawa ko nung weekend haha. Sarap lang, basa at nuod lang tao. Tas narealized ko gusto ko rin pala magsulat, as in ng story gaya ng mga nasa wattpad kaya ayun. Tinatry ko na si simulan. Sana naman okay lang siya hehe.

Sana mas masunod ko pa yung nasa planner ko. Kasi kapag hindi ko nasusunod nagkakaaberya yung week ko pati reports ko. Hindi ko naaral ng maayos. At sana wag na kong tamarin! Haist eto pinaka nakakainis sa lahat, yung tinatamad ako tapos sasabayan pa ng naiintimidate ako sa mga tao. Sana wag na lagi ganun kasi nahihirapan ako magwork.

Sana sana sana... Sana maging okay na lahat pati sa mahal ko.. Sana hindi na siya makaramdam na down siya.. Sana kayanin niya yung pinagdadaanan niya ngayon...

Parang wala namang weekend sa sinulat ko. Hehe konti lang pala pero meron. Ayun nga masaya kasi nakapagbasa ko ng nakapagbasa tas nakanuod din ng nakanuod. Ang gaan lang. Walang stress. Bawal na mastress diba??!! =D

Friday, May 10, 2013

Stress Much! - DEADMA Part 2

Huhuhu nag-start yesterday ang sakit ko. Ayun monthly naman to eh. Kaso mas nakakapanghina ngayon to. Huhuhuhu. Bakit kaya ako ganito? Nakaka-stress tuloy.

Anyways, kanina sa report ko, konti nalang. Praktis pa saka confidence tapos talas ng analysis. Kaya mo yan girl. Malapit kana. Dati nagagawa mo naman yung mga ganung bagay eh. Wag ka lang aatakihin ng katam. Mas maging keen kapa at dapat lagi mo tinatanong sarili mo. Tandaan mo yung mga bagay bagay na yun ha. Kaya mo yan girl.

Ang ganda ganda mo para maistress ka masyado. :) Just do what you have to do and work on it to be the best okay?

Pero bago ko makalimutan may nakakainis na naman palang nangyari. Ay naku talaga. Badtrip talaga. Aba ang spare laptop na for the use the buong department itago daw ba sa cabinet niya? Paano yung mga dapat na gumamit na iba? Tapos parang wala lang sa kanya. Okay sige sayo na. Ikaw na masipag, ikaw na madaming ginagawa. Ikaw na mapopromote kaya iyo na yan. Stress much!!!

Pero sabi ko nga kahapon eh, DEADMA na lang. Hmpft. Okay fine bye.

Thursday, May 9, 2013

Kahit Ano Pang Mangyari - DEADMA!!!

Yung kahapon false alarm. Hindi naman pala sa kanya galing yung smiley. Hay naku, ganun pa din pala. Walang wenta. :'(

Hayaan ko na nga lang. Ganun talaga eh. Sa buhay ng tao, madami talagang kontrabida. Kasi hindi naman gaganda istorya kung wala sila. Boring kaya.

Mga iba pang tao dito kaasar din. Sana mapalitan na silang lahat, or ako nalang kaya aalis dito. Okay kung ayaw niyo ko no problem. Hindi na ko masyado lalapit  sa inyo. Hmpft. Yayabang kala mo mga perpekto. Banas. Kayo na! Sige pakatanda kayo dito sa kumpanyang to. Asar!!! Kung pede lang bumalik dun sa dati kong trabaho. Kaso mapapalayo naman ako sa mahal ko.

Haist! Talaga naman. Pero isang malaking DEADMA na nga lang. Bahala kayo sa mga buhay ninyo. Magtatrabaho ko dito ng walang kokontra. :) Di ko na kayo icoclose ang babad niyo naman eh. Okay na ko sa mahal ko, masaya ko sa kanya. Hindi niyo naman ako tinuturing na kaibigan talaga. Okay fine bye!

Wednesday, May 8, 2013

Ngiting Mkawarak Panga!!!!!!

Waaahhhhhhhhh!!!!!!!!!! Sobrang saya lang!!!!!!!!!! Wohooooo!!!!!!! Mamayang gabi magpupuyat ako sa pag-aanalize base sa sinabi sakin ng boss ko. Tuwang tuwa naman ako ng sobra sobra!!!!!!!!! As in!!!!!!! Nag-email kasi siya sakin at may smiley pa!!!!!!!!!! !st time yun kaya naman pagbubutuhan kong maige. Andun na daw ako eh. Tama na yung questions ko. Kailangan ko nalang tandaan ang mga bagay bagay na sinabi niya sakin kanina. Wohooo!!!! I'm getting there!!!! Malapit na to!!!! Yehey!!!!

Note to Self. SHOULD BE REMEMBERED ALL THE TIME.

- anong nangyari this month na hindi nangyari last month that caused the changes in the store's net income?
- bakit ako may difference, what are the drivers? 
- ako as an RBU finance, dapat ko makita yung factor's.
- sustainable ba yung changes? or may unusual lang na nangyari kaya bumaba or tumaas yung mga amount, in % and in absolute.

Tuesday, May 7, 2013

Asar Much!

So ako na tamad. Hmft. E ano ngayon? Bahala na nga kayo sa gusto ninyong isipin basta hindi ko pinapagod ang sarili ko na hindi ako magiging masaya. Ang mahalaga naman diba dapat masaya ka. Sorry hindi exceptional yung performance ko. Don't worry next year aalis na talaga ko. Matapos lang yung two years ko sa phone aalis na talaga ko. Masaya ko sa ginagawa ko pero hindi na ako masaya sa ilang mga tao. Nakakainis na talaga. Lagi nalang. Laglagan. Walang suporta. Hmft. Bahala kayo sa mga buhay ninyo. Kayo na magagaling! Kayo na karapat dapat iluklok sa taas! Asaaaarrrr!!!!!!!! Hay naku makapagtrabaho na nga lang ng pansarili ko. Eh ano kung palagi kong nagnenet. Nagagawa ko naman dapat kong gawin. Kaya bahala na kayo. Hmmmffttt. Mga nagmamagaling!!!!!!!!!!!!!!!

Monday, May 6, 2013

Random Thoughts 12

Wala lang. Trip ko lang magsulat. I need an outlet eh.
I feel so down kasi, in fact i want to cry.
Teary-eyed na nga ako oh.
Gusto ko magtanong pero natatakot ako.
Ano dapat ko gawin? Takteng takot yan!
Haaayyy.......... :'((
Why am i so down? Maaga ko uuwi mamaya para makapagpahinga ng maaga.
Sa bahay na ko mag-aaral.
Waaaah!!!! Super random ng nafefeel ko. Ano kayang mangyayari?
Ngaun i'm trying, hay naku, sana panggabi nalang ako tas iilan nalang kasama ko dito.
Ayoko silang kasama lahat. Period.
Huhuhu, ang bad ko. Nababaliw na ko.
Ahh ewan sayo girl, sige tuloy mo lang pag type.
Kaya mo yan, may mararating yan.
Waste of time oo na sige na, atleast naiilalabas ko gusto ko sabihin.
Kahit dito lang, oo eto lang naman hindi nanghuhusga sakin eh.
Walang violent reaction, actually, no reaction at all.
Sad pa din, :'(...........

Ouch! Sabi ni Heart Ko

Time to right.

Masakit yung puso ko eh. Akala ko naman ok lang yung set up namin, bakit ganito?

Una sa lahat wala naman sanang bastusan. Hindi mo alam how much courage, trust and faith is given kapag nagsasabi ako ng galing sa puso ko. GALING SA PUSO ko yun. PUSO, one of the most vital organs ng isang tao at kapag naglabas ako ng isang bagay bagay galing don sana pahalagahan mo. Hindi madali maglabas ng ng kahit ano na galing sa puso. It's takes a lot of risks. Kaya sana marunong ka naman magpahalaga.

Kahit pa may kasalanan sayo yung tao. Hindi maitatama ang pagkakamali ng isa pang mali. At once natakot na yang puso na yan baka pagsisihan mo. Hindi man mapagod baka kusa na siyang bumigay, literal na titigil yung tibok niya kasi sobrang sakit na.

RESPETO NAMAN. Kasi hindi naman kita ginaganyan. Salamat.

Thursday, May 2, 2013

Nega Again?

Ang aga aga ang nega ng feeling ko. Bakit ganito na naman ako. Love naman ako ni Lord pero bakit ang bad ko, bakit hindi ako masaya, bakit hindi ako makuntento? Haay ang sama ko. Simple lang naman ang buhay, madali lang naman maging masaya, bakit nag-iinarte pa ko?

Bakit nga ba ko nega ang aga aga? Kasi naman pakiramdam ko wala na talaga kong silbi dito sa office ehh. Nakakainis kasi hindi na nabibigyan ng value yung ginagawa ko. Kahit mag submit ako on time walang response yung boss ko. Haay anu ba yan. Tingin ko two years lang aabutin ko dito. Anu na naman kaya idadahilan ko kapag nagresign ako. Kapag ininterview ako ng papasukan ko. Haay nararamdaman ko talaga hindi ako uunlad dito hanggat siya boss ko. Ok naman siya kaso hindi kami swak. Hindi ko mahuli ugali niya though hindi naman siya masamang boss. Iba siya mamalakad at iba naman ako maging empleyado. Huhuhu. Tapos yung mga tao sa paligid din ganun pinararamdam nila sakin, wala kong kwenta dito. Kainis naman. Pinahihirapan nila ko tapos ganto lang makukuha ko. Sobrang taas naman ng standards nila. Wala man lang appreciation na ibinabalik sayo kahit paano.

Hindi ako talaga tatagal sa ganito. :'((