Wednesday, July 31, 2013

Random Thoughts 15

Ahmmm... bigla lang ako napasulat. Kasi ang dami na namang gumugulo sa isip ko aside from work. May mga dapat akong gawin na hindi ko pa maumpisan. Madalas kasi masakit ang ulo ko. Pero gusto ko na talagang magseryoso. Simula na bukas ng pagbawi ko. Sana maging okay na ang lahat. Sana maitama ko na ang mga mali ko. Sana makapag aral ko. Gusto ko mag-aral ehh. Sana may time pa. Kaya pa naman siguro. Gusto ko mag-add ng value sa kanila. Marunong naman ako eh. Tamad lang saka wala akong initiative to exert an effort para mag-add ng value sa kanila. Sana maging okay na talaga ang lahat. 

Kahit nagkakagulo isip ko hindi na ko lalayo kay God. Ayaw ko na malayo sa kanya though hindi pa ako nakakabalik ng buo sa kanya dahil na din sa sarili ko. Hindi ko alam kung bat nahihirapan akong ibalik yung dating ako. As in yung ako nung 3rd year college. Kung gaano ako kasaya mag-aral nuon. Kung gaano ako kasaya sa kabila ng problems dahil sa overwhelmed ako sa love ni God for me. Sana maibalik na iyon. Faith... Hope... Thank you Lord God... :)

Monday, July 29, 2013

Hmmm?

Yun oh! Monday stress pa din.
Pero!
May pero! Kasi kahit na stress pa din
Hindi ako pinanghihinaan
Unti unti my Faith is taking control of me
At si God unti unti din akong nirereclaim from myself
At ako unti unti din inaaccept si God muli sa buhay ko.
Thank you Lord for saving this day!
Thank you Lord for saving me from my sins!
Thank you Lord for saving me from my sinful self!
Thank you Lord! Amen!!! ^_^

Friday, July 26, 2013

A month full of Stress! :(

Haaay...
Gusto kong bumawi..
Pero parang ayaw naman nila ko pabawiin :(
Nakakaiyak na tong buhay ko...
Dumadagdag pa yung problema sa bahay...
Hindi kaya ako bigla nalang magbreak down..?
Kulang sa pagkain,
walang enough na tulog...
Ano ng gagawin ko...?
Sana matapos na to..
Yung nalang hinihiling ko...
Sana matapos na to....
T_T.......

Thursday, July 25, 2013

Lord....................

Haaay..... ang bigat bigat na po ng feeling ko............. T_T
Gusto ko ng umiyak.................
Diyos ko....
T_T...
Nanghihina po ako....
Tulong po.....
T_T......

>_< :( T_T

Grabe naman, walang patawad, nakakapagod na to, asar! Grrr!!!!!!!!
Bakit ba? Ano bang problema niya?
Ang hirap naman niyang spellengin!
Ang sakit pa ng mata ko ngayon dahil wala akong salamin!
Badtrip talaga! Ang aga aga eto na naman siya!

Lord sorry...
Haaay....
Napapagod na po talaga ako...
Tulungan mo naman ako Lord...
Nahihirapan na talaga ako...
Hindi ako makakain ng maayos...
Mahaba ang tulog ko pero wala pa din kwenta...
Puro nalang ako reklamo sayo...
Patawarin mo sana ako.
Ni hindi ko magawang mag-thank you sa mga blessings
sa kabila ng lahat ng ito.
Mas nangingibabaw sakin ngayon yung sakit, pagod, hirap...
Feeling hopeless na nga ako minsan...
Hindi ko magawang ibalik yung hope na dati meron ako...
Yung Faith ko pinaglalabanan ko...
Bakit ako ganito...?
Lord please...
Tulong po...
Please.... :'(

Wednesday, July 24, 2013

Questions????

Bakit ba ako nahihirapan sa mga reports ko? Bakit ba ako nahihirapan sa analysis ko? Bakit ba hindi ko alam kung anong dapat kong tingnan? Bakit ba ang hina hina ko? Haaays, pero bakit hanggang ngayon andito pa din ako? Diba? Anong reason? Anong dapat kong gawin? Anong dapat mangyari? Anong mga resources ko? Paano ko ba magagawang tama tong buhay ko? Paano ko ba maipapanalo tong challenge na to? Paano ko magagawa ito? Para sakin ba talaga to? Tama bang nandito pa din ako? Anong inaantay ko dito? Anong dapat mangyari sakin dito na hindi mangyari yari kaya hanggang ngayon hirap ako? Akong mali sa buhay ko? Anong mga kulang ko? Bakit ang bobo ko? Bakit anghina ng utak ko? Bakit ba kasi ako nandito????

Monday, July 22, 2013

New Hope Found

Kahit na makasalanan ako binibigyan pa din ako ni God ng hope. Kasi mahal na mahal Niya ko. Kahit na lagi kong nagpapasaway sa kanya, lagi ko siyang nasasaktan hindi Niya yun binibilang. Instead tinutulungan niya pa ako makakita ng way para makabangon. Tulad ngayon araw na ito, God is giving me strength kahit na i'm about to give up dahil sa mga stress na nararamdaman ko.

Haaay... Kailan ba ako magtitino? Kailan ba ko magsasawa na saktan ka..? Kailan ba kita mamahalin ng buo. Patawarin mo po ako Papa God kasi sobrang stubborn ko. Kahit ilang beses ka ng gumagawa ng paraan para makabalik ako sayo ako naman ung umaayaw ayaw. Ang sama sama ko na pero sayo pa din ako lagi umaasa. Masyado akong mapagsamantala. Sana magbago na ako. Sana kunin mo na ng buo yung puso ko. Sana i-take over mo na yung soul ko.


Gusto kong mahalin yung mga tao sa paligid ko na parang ikaw ang nagmamahal sa kanila. Gusto kong tumakbo ang buhay ko sa paraang gusto mo. Napapagod na akong saktan ka. Oo pusro makasarili pa din yang mga hiling ko pero yan po talaga ang nararamdaman ko. Sana mapagbigyan niyo ako. Sana yan din ang gusto mo para sakin.


Sana... sana... Sana.... Alam kong nababasa mo to. Alam kong naririnig mo yung sinasabi ng puso ko. Alam kong alam mo kung anong mga nararamdaman at iniisip ko. Sorry talaga matigas ang ulo ko. Mahal na mahal kita pero bakit nagagawa ko to sayo? Lord sorry... Please take control of me....

Friday, July 19, 2013

Tired! Frustrated! Stressed!

Haist ano ba tong nangyayari sakin ngayong July?
Masyado na kong stress out.
Sa bahay, sa opisina pati sa sarili ko.
Ano ng gagawin ko?
Nanghihina na ko, pagod na pagod na talaga ko.
Ako nalang ba palagi talaga may mali?
Ako nalang ba palagi may kulang?
Kailangan ba sakin lahat ng responsibility?
Hello! Hindi ko na magawa ng maayos trabaho ko dahil hindi naman ako tinutulungan ng mga tao!
Nakakainis na talaga!
Sobrang pagod na ko sa nangyayari sakin dito!
Kung pwede lang humiling na sana isang araw paggising ko iba na sitwasyon.
Maayos na lahat.
Madaling kausap ang mga tao at marunong makipagtulungan!
Haist!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Thursday, July 18, 2013

Headache!

sumasakit na ang ulo ko ha.
Kasalanan ko ba to?
Anak ng tinapa naman?
Alangan namang antayin ko sila ng 48 years?
Eh hindi naman sila nagrerespond ng maayos sa mga email ko?
Badtrip!!!!
Kanino ko pa ba malalaman? Alangan namang tanungin ko isa isa ang mga stores diba?
Edi mas matagal yun?
Anong dapat kong gawin??? Amfness!!!!!!!!!!!!!!
Bwisit!!!!!!!!!!!!!!!!!
What the heck!!!!!!!!!!!!!!
Hay naku!!!!!!!!!!!!
I'm super stressed!
Hindi ko na alam ang gagawin ko?????????
Kaasar na talaga! Ayoko ng ganito!
Kasalanan ng ibang tao ako pa din ba aako?
Anak ng tinola naman!
Sana nasa audit nalang ako para atleast tanggap ko kapag nasisi ako dahil may hindi ako nakita!
Eh kasalanan na nila yun eh!
Bwisit talaga!!! Bwisit!!!!!! Grrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!!!!

Haist!!!!!!!

Salubong na naman ang kilay ko. Super stress na naman ako. Kaya hindi ko magawang mag-open ng mga iniisip ko sa kanya kasi feel ko at yung dating niya sakin parang laging mali ako. Oo na kasalanan ko na lahat. Asar! Eh sa ngayon palang ako natutuo eh sorry ha ang galing niyo kasi. At hindi ako ganon. Pano na kaya to? Ayoko ng ganito kainis na! Wala na kong ginagawang tama sa lugar na to. Palagi nalang. Pwede ba magpalipat ng pwesto. Yung sa gilid lang ako. Yung hindi ko kakailanganin kumausap ng mga tao palagi. Kainis talaga! Ayoko pa naman ng naiistress ng ganito. Nanghihina ako.

Huhuhu. Lord bakit po ganito? Ano po dapat ko gawin? Open my eyes Lord please and please save me from depression. Hindi ko alam kung tama pa ba or mali ang hinihiling ko sayo. Masyado na ako nagiging palaaisip at nakasandal sa kung tama ba to o mali etc. Nahihirapan na po talaga ako. Ano po ba ang dapat ko gawin sa sarili ko? Saan po ba dapat ako pumunta? Lord please guide me. Please... :'(

Tuesday, July 16, 2013

Super Busy, Super Stress!

Hin ko alam kung anong gagawin ko ngayon!
Sobrang daming work!
Sunod sunod ang dapat kong ipasa!
Tapos report pa bukas!
Tapos wala akong salamin!
Anu ba yan!
Nahihirapan na ako!!!
Nakakabadtrip naman talaga oh!!!!!!!!!! >_<

Monday, July 15, 2013

Focus

I need focus!!! Lord help po... Sana hindi muna ako kausapin ng mga tao dito.. Kailangan ko po magfocus eh... Papa God kayo na po ang bahala...

Hindi pa ako nakakalayo sa ginagawa ko ang sakit na ng ulo ko. Amfness!

Wednesday, July 10, 2013

Tired but Hopeful

I really had had a bad 1st 9days of the July. Dahil na sa ospital si papa tapos nahuli ko na naman ang boyfriend ko na may mga babaeng... basta babae tapos. >_< (i hate remembering this kasi pati yung pain ramdam ko pa rin). Anyways, sa loob ng 9 days hindi ako pumasok, one day lang akong nagtrabaho. Pag nasa ospital ako hindi ko maenjoy magpahinga kahit may mga nurse naman na nag-aasikaso kay papa. Palagi akong may iniisip. Hindi ko naman matukoy ng maayos kung ano ano tumatakbo sa utak ko. Halo halo na. Maski panunuod at pagbabasa hindi ko naenjoy samantalang ang dami ko sanang time. Ang bigat ng dibdib ko. As a result eto lubog ako sa utang. Tapos takot pa na baka maulit yung nangyari sa tatay. Sa office naman i feel im being left behind. Nakakatakot mga naiisip at nararamdaman ko. Puro negative. Ayoko ng ganito. Puro uncertainties. Hindi ako masaya at natatakot ako. T_T.

Pero buti nalang during those days, there were times na sinamahan ako ng bf ko, At kahit na nagkagulo kami naayos naman namin iyon. Sana wala ng kasunod na ganon. Nahihirapan na ko eh. Ayoko na ng ganon. Salamat sa kanya kasi siya yung naging strength ko. Nakakayanan ko yung isang buong araw dahil kasama ko siya.

At the same time yung faith ko na unti unti ng nawawala yun ang pinanghahawakan ko ngayon. God is really calling me at ako lang ang pasaway na hindi nakikinig sa kanya. Pero hindi niya pa din ako pinababayaan. Kahit ngayon dito sa work nanghihina ako. Naririnig ko yung boses niya na sinasabing kaya mo yan Anak. Kaya mo yan, kasama mo naman Ako. Papa God thank you. Kasi sobrang nanghihina po talaga ako. Ngayon yung boses niyo po ang nagiging lakas ko. Salamat po...

Monday, July 1, 2013

Super Malas

Grabe, sobrang malas ko. Simula sabado ng gabi sobrang malas ko. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa din yung sakit sa dibdib ko. Paulit ulit yung sakit sa dibdib ko. Parang wala ng katapusan yung luha ko. Gusto ko ng matapos yung sakit na nararamdaman ko. Kainis gusto kong umiyak ng umiyak! Gusto kong magwala ng magwala! Kainis!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!Tang ina bakit ako ginagago ng ganito!!!!!!!!!!!!!!!!!!