Wednesday, July 16, 2014

Hindi na Natuto

Haist, neng paulit ulit ka na
Nakakapagod ka ng pagsabihan.
Wala kang pwedeng excuse sa kasalanang ginagawa mo
Inaabuso ang katawan mo!
Kagagaling mo lang, dapat nagpapahinga ka!
Paano kung sa susunod ganun ulit ang mangyari?
Dahil hindi tuluyang gumaling ung mga sugat?
Dahil sa kapabayaan mo??
Baliw ka na talaga!
Alam mo ng mali tuloy ka pa rin!
Nakakainis ka alam mo yun??!
At higit sa lahat nakakapagod ka na!

Pero hindi ko naman pwedeng sukuan ang sarili ko...
Kailangan ko pa ng kaunting tiyaga.
Malalampasan ko din to.
Hindi pwedeng itolerate ko to habang buhay.
Gusto ko ng magtino!!!!

Monday, July 14, 2014

Guilty :(

Base on the title itself, guilty ako. Hindi sa panlalalaki or anything the same.
Sa ibang bagay na hindi ko mabanggit.
Ayaw ko isilin na ang dahilan ng mga pagsubok sa buhay ko ay ang bagay na ito.
Pero hindi ko maiwasang hindi isipin na parusa ito dahil makasalanan ako.
Ang bigat sa pakiramdam na guilty ka.
Pero dapat di ba kapag umamin ka na may pagkakasala ka gagaan ang kalooban mo.
Magkakaroon ka pa ng peace of mind.
Pero sa akin hindi.
Dahil sa kabila ng awareness ko sa kasalanan ko, patuloy ko pa ding ginagawa
Paulit ulit ko pa ring ipinagpapatuloy kahit alam ko ng mali
Kahit pinipigilan na ako ng puso at isip ko.
WAla akong magawa.

MAs tamang hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.
Mahina ako.
Kahit anong tiwala ang ibigay sa akin ni Lord
Lagi ko pa rin siyang binibigo... T_T
Nakakapagod na din yung ganito...
Sana tumigil na ako...
Ako din naman ang nasasaktan at nahihirapan
Dahil sa guilt na nararamdaman ko

Sana makasama ko na ang asawa ko.
Baka matulungan niya akong magbago.
Sana siya ang gawing daan ng Diyos para ituwid ko ang sarili ko.
Dahil hindi ko ito physically kaya mag-isa.
Dahil kahit usigin ako ng kunsensya ko wala akong magawa.
Gusto kong ipagdasal ang pagbabago ko.
ana Panginoon pakinggan mo po ang dasal ko...
Sa ngalan ng PANginoon at Tagapagligtas naming lahat, Jesus.
Amen...

Monday, July 7, 2014

Sad :'(

Sobrang biglaan ng mga nangyari sa amin. Ngayon ayos na kami ng boyfriend ko. Malapit ko na siyang maging asawa. Malapit na sana kaming bumuo ng pamilya. Kaso... kaso maaga kaming iniwan ni baby... hanggang ngayon malungkot ako... masakit pa din sakin... kahit hindi kami nagkita nakasama ko pa din siya ng almost 3 months... nalulungkot talaga ako nawala agad baby namin... alam man namin na may plan si God masakit pa din... pero kailangan namin maging strong... kailangan... kahit masakit... baby... nasaan ka man... love na love ka namin... :'(