Tuesday, August 18, 2015

No Title

Wala akong maisip na title para dito sa isusulat ko. Gusto ko sana ituloy mga ginagawa kong libro pero hindi tugma sa nararamdaman ko ngayon. Siguro sa ibang simpleng away magkasintahan lang pinagdadaanan namin. Pero para sakin hindi. Naalala ko yung pinost ko sa instagram kagabi. “Do not let other people make you feel less worthy.” Parang ganun. Basta in tagalong, wag mo pabayaan na palagi mo nalang pinagbibigyan ang taong mahal dahil mahal mo sila. Unti unti nawawalan sila ng respeto sayo. Dahil alam nilang di mo sila iiwanan di sila nagdadalawang isip kahit masaktan ka pa nila. Kasi alam nilang sa huli mapapatawad mo din sila.

Ang lupit din talaga ng pag-ibig ano? Ay hindi pala. Walang kasalanan ang pag-ibig. Malupit yung mga bagay na pwede mong maranasan habang umiibig ka. Grabe nga sobrang wasak yung puso ko ngayon. Di ko naman akalain na magkakaganito. Ginawa mo naman ang alam mong makakaya mo. Minsan higit pa sa capacity mo ang ibinibigay mo. Pero magagawa ka pa ring saktan ng taong mahal mo. Hindi naman ako perpekto. Hindi ko kayang maging complete package ideal girlfriend. Ang kaya ko lang, magmahal. Kahit kalian hindi ko sinubukang saktan ang taong mahal ko. Ni minsan di pumasok na sa isip ko na sadyang pasamain ang loob niya. Yung gumawa ng bagay na alam kong wawasak sa puso niya.

Binigay niya sa akin ang puso niya para ingatan at alagaan. Pero hindi ako perpekto. Madalas nagkakamali ako. Hindi ko sinasadya nasasaktan ko yung puso niya na iniingat ingatan ko. Na pinoprotektahan ko. Pero yung puso ko. Na dati akin lang. Na dati ayoko basta ipagkatiwala sa iba. Na dati inaalagaan niya. Sya din pala mismo makakasira. Siya pa mismo gumawa ng paraan para mawasak. Ang sakit sobra. Minsan parang gusto ko ng ipagdasal na sana kunin na ako ni Lord. Kasi sobrang sakit na.

Yung taong pinili mong pagbigyan ng puso mo para ingatan siya pa yung gumagawa ng bagay para masaktan ka. Sadya talaga. Haha. Ang saya niya. Ako? Parang ayoko na magpakatanga. Hindi lang naman kasi isang beses niya kong sinaktan. Ngayon sadya pa. At proud pa siya. Haaayy.. Ang sakit.. Ang lungkot.. Ayoko mapagod sa kanya dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko naman na kaya ang ginawa niya. Paano kung hindi na niya pala ako mahal kaya niya kayang gawin ang bagay nay un. Paano kung ako nalang pala ang nagmamahal sa aming dalawa? Paano kung ayaw na pala niya. Nakakatakot. Iniisip ko palang, lalo ng nawawasak yung puso ko. Ang sakit talaga. Gusto ko umiyak kaso kailangan kong magpigil.

Galit na ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero takot akong hiwalayan niya. Eto na nga si tanga di ba? Sinaktan na tuloy pa. Kaya naaabuso. Gusto ko na mapagod. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Durog na durog ang puso ko. Haaay ayokong isipin na hahanap ako ng ibang lalaki dahil siya lang ang mahal ko. Na alam kong alam niya kaya balewala lang sa kanya kahit sobrang sakit na.


Sana mawala na yung sakit. Sana pwedeng makalimot na lang. Sana pwedeng matapos na lahat ng ito. Sana hindi na lang siya ganito. T_T

PS. Pinakamasakit sa lahat yung pinaka importanteng araw sana para sa aming dalawa. Ngayon isa sa pinakamasakit na. :'(

Wednesday, March 11, 2015

Feeling Di Ko Alam....

Long sighhhhhhh...... Hay naku eto na naman ako. Grabe pag-uwi palang ng bahay sobrang init na ng ulo ko. Nakaasar. Nakakapikon. Pero nakakalungkot, masakit, ang halo halo at gulo ng nararamdaman ko. Feeling ko ang sama sama ko, Gusto ko umiyak at nadedepress ako. Ang bigat talaga ng nararamdaman ko. Bakit ganun ang mga tao sa paligid ko...? Bakit kailangan lahat sila may sasabihin na masakit.... Masama ba talaga ako? oo masama ako :(. Ang hina ko. Ang hina ng faith ko. Ang bilis ko matakot ang dali ko mawalan ng hope. Ang malungkutin ko. Ang init ng ulo. Im too emotional... Hindi ko na alam ano patutunguhan ng buhay ko. Okay na ba ko sa ganito? Ganito na lang ba ha? Di mo naman na maibabalik yung mga mali mo sa past eh. Wala kana magagawa dun. Kaso minumulto ako ehhh T_T..... Haaaay di ko na talaga alam gagawin ko... Parang gusto ko muna mag pause.... Masyado ng mabilis ang panahon... Naiiwanan na ako... Nalulungkot talaga ako.... T_T....... This is so sad..... Wala ako magawa.... Hindi ko alam ang gagawin ko..... :'( Ayoko na kumilos..... Takas na naman ang naiisip kong gawin.... Wala na akong hinarap na problema sa buhay ko..... NAKAKAPAGOD! Ang bilis ko talaga sumuko! nakakahiya ako!!!!! 😭😭😭😭

Sunday, January 18, 2015

Haist Na Naman

Naiinggit ako.... buti yung ibang tao na hindi ganun kataas ang pinag-aralan, walang titulo, pero masaya sa buhay nila... Alam nila kung saan patungo buhay nila.... ako hindi ko alam.... nawawala talaga ako.... wala akong kwenta...... wala akong silbi...... puro ako dada imbis na magsimula ako gumawa..... siguro yung mga nakakabasa nito nabubwisit na sakin... haha, wala talaga makakaintindi sakin kahit kailan...... lahat magagalit sa kin....... hahaha....... T_T...........................................

Wew......

Haay naku.... binubuksan ko lang talaga to kapag stress or depress ako... kaya eto na naman ako ngayon.... i fell so broken.... hindi ko mahanap ang sarili ko... di ko alam ang gagawin ko.... kahit alam ko hindi ko mahanap ang sarili ko para umpisan gawin mga iyon.... hindi ko alam kung anong gusto ko.... hindi ko alam kung anong importansya ko..... hindi ko magawang hanapin ang sarili ko sa Diyos..... bakit ako ganito...... T_T

sobrang nawawala ako ngayon.... pati sa taong mahal halos sumusuko na ako..... napapagod na ako.... hindi magtatagal iiwanan na din niya ko...... wala din akong kaibigan na maiintindihan talaga ako...... yung sasamahan ako sa nararamdaman ko...... lahat sila magagalit at pagsasabihan ako.... tapos wala na..... iiwan na ulit ako mag-isa.......

hindi ko kaya mag-isa..... kahit kelan sa buhay ko di ko kaya mag-isa.... sobrang nadedepress ako kapag nararamdman kong mag-isa ako.... kahit sabihin nila na kasama ko si Lord.... kahit pilitin kong isipin o maramdaman na kasama ko si Lord wala pa din..... bakit ganito ako....?

tao din naman ako eh.... pero hindi ko talaga siya marandaman..... o sadyang nirereject ko siya sa buhay ko ngayon...? pinagdadasal ko na sana siya mag guide sa buhay ko pero ayaw ko ibigay sa kanya yung manibela........ wala akong kwenta..... T_T


ang ilap ko sa mga tao.... hindi naman ako ganito nung high school ako.... pinaikot ko mundo ko sa isang tao..... pero napapagod din ako sa kanya..... pro kapag okay na ulit hindi ko na naman siya kaya mawala sa buhay ko...... balang araw magsasawa din siya.........

napapagod na ako sa buhay ko...... sobrang sama pa ng pakiramdam ko...... gusto ko magpahinga..... gusto ko hanapin sarili ko..... gusto ko gawin mga bagay na gusto ko........ manuod magbasa magsulat maglaro....... kaso masisira lang ang buhay ko....... anong nangyayari na sakin...... kailangan ko ng tulong..... sana tulungan ako ng taong makakabasa nito.... kahit sino ka man sana tulungan mo ko..... :'(